Paraan Para Magkaroon Ng Sariling E-Loading Business
Loading Station
Buti na lang meron akong paraan para matugunan ang problemang yan. Paano?
Ikaw mismo. Oo ikaw. Magtayo ka ng sarili mong Loading Station sa lugar mo! Eh di instant na lang ang pag load pag naubusan, diba? 😄
Sa paanong paraan? Gamit ang mga ito:
GCash
PayMaya
Coins.ph
Sa bawat name, ay may naka-attached na links na may Bonus na Free ₱50.00 (Liban sa PayMaya.. Although, direct app na yun sa Playstore) na marereceive mo, after mong maverified ang iyong account. Kakailangananin mo lang ng 1 Valid ID, iyong 11 digit phone number at magpaverified through KYC (Know Your Customer) Instructions ay nasa faqs ng bawat apps. Safe ba? Oo naman! Search mo pa eh.. 😉
Tanong, Paano magcash-in?/lagyan ng laman?
Sagot, Pindutin mo lang ang cash-in at pumili sa mga available cash-in options na makikita mo. Kung saan ang malapit matic yun ang piliin. 😃
Kaso problema mo naman ang puhunan? May sagot din ako sayo diyan..
Pwede na ba sayo ang ₱1K na puhunan? Tapos ibabalik mo ng ₱1,100 sa loob ng 1 buwan?
Tanong, pwede ba yun? Sagot, Oo naman! Saan naman makakakuha? Dito sa 👇🏼
Tala
Safe din yan.. 😆
Kakailanganin mo lang din ng 1 Valid ID, at ng iyong 11 digit phone number. Within 5 minutes makukuha mo na kaagad ang loan mo! At pwede ka pang mamili kung saan mo pwedeng i-received ito. 😃 Mas ok kung sa Coins.ph para diretso na. 😉
Nahihirapan ka ba? Madali lang yan..!
Calculate natin. Sa bawat taong magpapaload sayo, pwede mong tubuan ng ₱3.00 or ₱5.00 depende kung magkano ang tubuan diyan sa lugar mo. Sabihin nating naka 50 na katao ka sa isang araw so,
50x3=₱150.00
Isang araw pa lang yan. Paano kung naka Isang buwan pa kaya? na same katao din? so,
150x30=₱4,500.00!!
Naka ₱4.5k ka na, laki pa ng balik sayo! Eh paano kung 100 na katao sa araw-araw sa Isang buwan? Eh di mas malaki!
100x3=₱300.00x30=₱9,000.00!!
Wow! 😱😍
Tubo pa lang yan.. 😏
Eh, paano naman yung Rebates kada load mo na maibabalik sa'yo? Meron? Oo! Meron! 5% Rebates sa PayMaya, GCash, at 10% Rebates naman sa Coins.ph! Na nagiging 5% din, kapag na-reach mo na ang ₱10,000.00 load sa isang buwan. Don't worry, dahil mababalik pa din naman yang 10% dahil marereset rin ito kada Isang buwan. 😃
Tanong, bakit kailangan pa nung dalawa? Eh kung mas malaki naman ang Rebates sa coins? Sagot, dahil di lahat ng promos ay available sa bawat application that's why I recommend na i-download mo yung tatlo. ☺️
Load Rebates Examples:
Load ₱10.00 5% na marereceive mo ay ₱0.5
Load ₱20.00 5% na marereceive mo ay ₱1.00
Load ₱10.00 10% na marereceive mo ay ₱1.00
Load ₱20.00 10% na marereceive mo ay ₱2.00





Comments
Post a Comment